2 mangingisda nalason sa butete, patay

PATAY ang dalawang mangingisda makaraang malason sa kinaing butete (buffer fish) na ginawang pulutan kagabi sa Barangay Patalon sa Zamboanga City.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang mga biktima na sina Rodrigo Pioquinto, 53, at Randy Algodon, 32, kapwa mga residente ng naturang lugar.

Nabatid na pasado alas-10:00 kagabi nang mag-inuman ang dalawang biktima at ginawang pulutan ang butete  subalit agad na nakaramdam sila ng matinding sakit ng tiyan.

Dahil dito, kaagad na dinala sa pagamutan ng kani-kanilang mga kamag-anak pero binawian din ng buhay makaraan ang ilang oras.

Labis naman ngayon ang hinagpis ng pamilya ng dalawang biktima dahil pangingisda ang tanging hanapbuhay nila sa lugar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply