2 miyembro ng Cafgu tepok sa ASG

DALAWANG miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang nasawi at anim ang sugatan kabilang ang isang sibilyan sa pag-atake ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) sa may Barangay Sapah Bulak, munisipyo ng Sumisip, probinsya ng Basilan.

Nabatid na pauwi na sa kanilang tahanan ang dalawang nasawi sakay ng isang motorsiklo galing sa Tamahubong Agrarian Reform Beneficiaries Integrated Development Cooperative (TARBIDC) sa munisipyo ng Tipo-Tipo, Basilan nang paulanan bala ng hindi bababa sa 10 armado rebelde.

Nasawi sina Isa Kasilan at Antig Pantasan habang sugatan naman ang sibilyan na kinilalang si Amil Antasari, mangaggawa ng Rubber plantation ng Tamahubong Agrarian Reform Beneficiaries Integrated Development Cooperative (TARBIDC).

Kasalukuyang tinutugis na ng tropa ng militar ang mga bandido.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply