2 naghahanap lang ng pulutan, pinaglalamayan

KAPWA patay na ng idating sa pagamutan ang dalawang kalalakihan na humahanap lamang ng mabibiling pulutan ng salpukin nila ang isang nakaparadang mini-bus sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ulat ng pulisya kahapon, kinilala ang mga nasawi na sina Jerome Orlanda. 21 anyos at Lizard Tomanan, 19 taong gulang kapwa naninirahan sa Barangay Zaragoza sa bayan ng Bolinao ng nabangit na lalawigan.

Nabatid na nakikipag-inuman ang dalawa ng maubusan sila ng pulutan kaya nagprisinta sila na ang hahanap at bibili ng kanilang pulutan sa bayan.

Sakay ng motorsiklo ay agad na bumiyahe ang daalwa subalit sa kahabaan ng pambansang lansangan  ay hindi umano napansin ni Orlanda ang nakaparadang mini-bus sa gilid ng lansangan kaya nabangga nila ito.

Dahil sa  lakas ng impact ay nagtamo ang mga biktima ng grabe sugat  at bale sa katawan na nagging dahilan ng kanilang kamatayan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply