2 nangholdap sa nurse, arestado

ITINUTURING ng pulisya na sarado na ang kaso hinggil sa pagkamatay ng isang registered nurse ng Pasay City Health Office na biktima ng panghoholdap nang maaresto ang dalawang suspek malapit sa hangganan ng Pasay at Parañaque City kahapon.

Iniharap ni Pasay City Police Officer-in-Charge Supt. Samuel Turla kay Mayor Antonino Calixto ang mga suspek na sina Leo Navarra, 28, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang at Robert Espidion, 32,  kapwa ng Barangay Sto Niño.

Ang dalawa ang itinuturo ng mga saksi na nangholdap kay Restituto Cruz, 41, empleyado bilang nurse ng City Health Office noong Setyembre 7 dakong alas-8:30 ng gabi subalit hinabol sila ng biktima hanggang sa madapa at mabagok ang ulo sa bangketa.

Sa kabila ng pagkahilo, mag-isang nagtungo sa Pasay City General si Cruz upang magpagamot subalit sa tindi ng tinamong pinsala, inilipat siya sa San Juan De Dios Hospital kung saan siya nasawi makaraan ang apat na araw na pagkakaratay nang mamuo ang dugo sa ulo.

Kanina ay itinanggi ni Dr, Jaime Sy, Director ng Pasay City General Hospital na nagkaroon ng kapabayaan ang kanilang hanay na nagresulta sa pagkamatay ni Cruz.

Sinabi ni Sy na kaagad inilagay ng mga attending nurse sa emergency room ang biktima at isinailalim sa CT scan matapos mawalan ng malay.

Malisyoso at may bahid pulitika aniya ang ulat kaugnay sa nangyaring kapabayaan gayung wala aniyang kinalaman ang mga manggagamot sa mainit ng takbo ng pulitika sa lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply