2 nanutok ng baril sa eskwelahan arestado

ARESTADO ang isang lalaki na nakapasok sa isang pampublikong paaralan at tinutukan ng baril ang isang estudyante na inakusahan nitong nangbu-bully sa isa niyang kaibigan sa Las Pinas City.

Kinilala ang suspek na si Leandro Sarno, 24 anyos, kasama ang isa pa na nakilala na si Justine Mejia ,18 anyos, na nahuli ng mga rumespondeng pulis na nakasakay sa isang motorsiklo papalayo sa eskwelahan ng Las Pinas East High school.

Ayon sa ulat na nakarating sa Southern Police District mula kay Las pinas police chief Senior Superintendent Romulo Sapitula, papalabas na ng Las Pinas East ang biktimang 17 anyos na di pinangalanan, dakong alas-12:40 ng tanghali ng salubungin ito ng suspek na si Sarno na nag-aabang na sa kanya .

Sinampal umano ni Sarno ang biktima, sinuntok, sinipa at tinutukan ng baril subalit dumami na ang mga nakasaksi na estudyante kayat nagpasya itong lumabas na ng nasabing eskwelahan at sumakay sa motorsiklo na minamaneho ni Mejia.

Sa puntong ito ay may napadaang nagpapatrolyang mga pulis sa labas ng eskwelahan at agad na tinawag ng biktima ang mga ito at humingi ng saklolo kung saan na-aresto agad ang dalawang suspek at narekober ang baril na kalibre 9mm sa mga ito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply