2 NPA patay sa engkuwentro

DALAWANG kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napaslang ng military habang isa sa kanilang mga kasamahan ang nadakip kasunod ng pakikipagsagupa sa hanay ng mga elemento ng Philippine Army at PNP sa Barangay Dela Paz, Columbio, Sultan Kudarat.

Sa ulat na isinumite ni Lieutenant Colonel Alexis Noel Bravo, commander ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army, rumisponde ang kanilang mga tauhan sa lugar matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente kaugnay ng nagaganap na extortion activities ng mga hinihinalang NPA sa hanay ng mga magsasaka.

Wala pang pagkakikilanlan sa mga nasawi bagamat kinilala na ang naarestong rebelde na si Renato Arema.

Walang nasawi sa panig ng gobyerno bagamant may isang  sundalong sugatan na kinilalang si Corporal Hadji Manor Amino.

Narekober sa lugar ang dalawang high-powered firearms.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply