2 pang bagyo daraan sa Pinas ngayong buwan

MATAPOS ang malalakas na ulan na iniwan ng bagyong Karen may dalawa o mahigit pang bagyo ang inaasahang magagawi sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng Setyembre.

Ayon kay PAGASA forecaster Elvie Enriquez, ang mga nasabing bagyo ay maaring mapanira at malamang sumayad sa kalupaan ng bansa anumang oras .

“Sa September two to three ang dadaan sa atin. Sa October two to three, sa November mas kaunti na,” ayon pa kay  Enriquez.

Dagdag pa ni Enriquez, masuwerte ang Pilipinas dahil hindi tumama sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyong Karen bagamat pinag-ibayo nito ang hanging habagat na nagdulot ng mga pag-ulan sa bansa.

Noon lamang isang linggo matinding binaha ang Metro Manila at karatig probinsiya dulot ng malalakas na pag-ulan.

“Kalimitan suwerte na hindi dumaan sa atin si Karen. Ang track dadaan talaga, landfalling talaga sila. Buti na rin [hindi nag-landfall] dahil tadtad tayo ng kalamidad,” ani pa Enriquez .

Samantala, sinabi ng PAGASA na makakaapekto ang habagat sa bansa hanggang Setyembre at ang pagpapalit ng amihan ay mararamdaman pa sa ikalawang linggo ng Oktubre.

Naglabas ng pangalan ang PAGASA na itawag sa bagyo na maaring mabuo at dumaan sa Philippine Area of Responsibility para sa 2012 na kinabibilangan ng Lawin,   Marce,Nina,Ofel,Pablo,Quinta,Rolly,Siony,Tonyo,Ulysses,Vicky,Warren,Yoyong, at Zosimo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply