2 paslit nahulog sa dike, nalunod, dedo

PATAY ang dalawang dalawang bata makaraang mahulog sa isang dike at malunod sa Iloilo.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang umaga, naganap ang insidente bandang alas-10:00 ng umaga noong Setyembre 22 sa Barangay Tabuc, Suba, La Paz, Iloilo City.

Nakilala ang nasawi na sina Janie Salvador, 5; at Princess Castor, 4, makaraang mahulog sa dike habang kumukuha ng suso.

Bigong mahanap ang mga biktima noong araw nang pagkakahulog nila sa dike.

Natagpuan lamang ang katawan ni Janie noong Setyembr 23 sa may layong 400 meters mula sa shoreline ng Sitio Singcalang, Barangay Balcon, Meliza, Brgy. Jordan, Guimaras.

Habang natagpuan naman ang bangkay ni Princess alas-5:30 ng umaga noong Huwebes sa Barangay San Isidro, La Paz, Iloilo City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply