2 patay, 1 sugatan sa sunog sa Navotas

DALAWA katao ang namatay habang isa pa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Daang Hari, Navotas City, kaninang madaling araw.

Kinilala ni Fire Officer 2 Amado Ignacio ang mga namatay na biktima na sina Richard Gonzales, 40, at Boy Tizon, 49, parehong residente sa nabanggit na barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang sunog kaninang ala-1:27 ng madaling-araw na umabot pa sa ikalawang alarma.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply