2 patay, 1 nawawala kay ‘Lawin’

DALAWA na ang naitatalang nasawi habang isa ang nawawala sa pananalasa ng Bagyong Lawin .

Kinilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasawi na si Jessie Ehem Sam, 31, ng Barangay Bungtod, Bogo City sa Cebu, matapos tamaan ng kidlat; at si Mark Anthony Mallari, 5, ng Barangay Labuan, Zamboanga City, na nahulugan naman ng natumbang puno.

Habang pinaghahanap si Samsudin  Moccadam, 27, na nawawala sa  Barangay San Vicente, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Samantala,  daan-daang indibidwal naman ang apektado nang matinding pagbaha sa Zamboanga, kabilang na ang Barangay San Jose, kung saan 300 ang inilikas.

May 50 indibidwal naman ang nawalan ng tahanan dahil din sa matinding pagbaha sa Barangay Tupilac, Zamboanga Sibugay.

Samantalang sa  Tunagaywan, Zamboanga Sigubgay ay apat na bahay ang partially damaged sa Barangay Sto. Niño habang dalawang bahay ang tuluyang nawasak sa Barangay Tipalay, kung saan 40 pamilya ang apektado.

Kaugnay nito, sa Barangay, Tubgungan sa Zamboanga City, 74 pamilya ang inilikas o 200 indibidwal mula sa Bangon Area dahil sa matinding pagbaha doon.

Matindi ring binaha ang Sirawai, Zamboanga Del Norte at Siocon, Zamboanga.

Patuloy namang nakaalerto ang NDRRMC at iba pang ahensya ng pamahalaan sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Lawin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply