2 politiko nagkakainitan sa paghahati sa Zambo Sur

PATULOY na nagkakagirian ang dalawang politiko sa Zamboanga del Sur kaugnay sa paghahati ng unang distrito ng lalawigan.

Sa kasalukuyan, mainit pa ring pinag-uusapan sa Zamboanga del Sur ang girian nina Pagadian City Mayor Samuel Co at 1st District Congressman Victor Yu hinggil sa usapin ng paghahati ng unang distrito ng lalawigan sa dalawa na nakasaad sa House Bill 3236 na nakabinbin pa rin ngayon sa Senate Committee on Good Governance na pinamumunuan ni Senator Bongbong Marcos.

Layon na naturang panukalang batas na hatiin sa dalawang distrito ang unang distrito ng probinsiya upang mabigyan ng isa pang representative ang lalawigan at madagdagan ng kaukulang pondo na maaring gamitin sa iba pang pangangailanga ng programa at mga proyekto.

Iginiit ni Mayor Co na pinaniwala ni Yu ang mga tao na wala nang pag-asa pa na maipasa ang naturang panukala ngunit nagtataka ang alkalde nang imbitahan siya sa hearing ng Senate Committee pero wala doon ang mismong proponent na si Yu.

Ikinagulat din ni Co na dalawang beses pa mismong humingi ng postponement ang kongresista sa committee at nakapagtataka ang mga naglabasang opposition papers na di umanoy minaniobra din ng Kongresista.

Inihayag naman ni Yu na hindi siya nakarating noong hearing sa senado dahil sa sunod-sunod na bagyo.

Kailangan umanong bigyang pansin ang ibang sektor na ayaw pumayag sa paghahati ng distrito at gumawa pa ng kaukulang konsultasyon sa mga maapektuhan.

Binigyang diin din nito na ginawa niya ang trabaho niya bilang Kongresista ngunit sadyang minamadali siya ni Co na mangyari ito upang dito na siya tatakbong kongresista sa susunod na halalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply