2 pulis-Cebu sibak sa panggugulpi sa dayuhan

SINIBAK sa serbisyo ang dalawang miyembro ng Cebu City police’s elite unit dahil sa pangugulpi sa isang 29-anyos na Papua New Guinea national.

Ang sinibak na pulis ay sina Police Officer 1 Phillip James Tanza at Police Officer 2 Bradford Lavadero, miyembro ng Cebu City police’s Special Weapons and Tactics team. Pansamantalang inilagay muna ang dalawang pulis sa Office of the City Director’s holding unit sa Cebu City Police Office (CCPO).

Inatasan naman ni Police Regional Office (PRO) 7 Director Marcelo Garbo, Jr. ang Regional Investigation and Detective Management Branch para magkasa ng administrative investigation na pamumunuan ni Supertendent Andie Villasin.

Magkakasa rin ang Commission on Human Rights (CHR) ng hiwalay na imbestigasyon sa dalawang pulis.

Samantala, hinihintay ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang investigation report mula sa CHR.

Sina Tanza at Lavadero ay nahuli sa camera habang ginugulpi ang biktimang si Bennidict Penini ng Papua New Guinea. Tinatangka ng dalawang police officer na pigilan lamang ang foreign information technology student matapos itong mag-amok sa Barangay Banilad, Cebu City nitong nakaraang araw ng Linggo.

Sa kanilang joint affidavit, sinabi ng dalawang police officer na nilapitan nila si Penini, at nagpakilalang mga pulis at inatasan na ibaba ang mga baton na hawak ng biktima.

Imbes sumunod, sinabi ng dalawang pulis na lalo pang naging agresibo si Penini at binato sila.

Ilang sandali lang, binato umano ni Penini sa panga ang taxi driver na si Giovanni Catib.

”Sensing that Penini can no longer be handled in a diplomatic manner, we decided to apply tolerable force against him,” pagtatanggol ng dalwang pulis.

Hindi naman nagsampa ng ksao si Catib, 33-anyos laban kay Penini nitong nakaraang Lunes. Nahuli rin ito sa camera na sinisipa si Penini.

Nakunan ng isang ABS-CBN Cebu crew ang insidente habang pinapalo nina Tanza at Lavadero sa ulo si Penini ng kanilang service rifles habang ang dayuhan ay nakahandusay sa bangketa.

Habang sinisipa nina Tanza at Lavadero si Penini, nakisipa na rin si Catib.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply