2 pulis patay sa riding-in-tandem sa Caloocan

PATAY ang dalawang pulis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem na hinabol ng mga una sa Caloocan City kaninang umaga, Setyembre 4.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina SPO1 Tirzo Roncalez at SPO3 Tom Perez kapwa ng Caloocan City Police.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa alyas Dondon at alyas Igne.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga, nagpapatrolya ang mga biktima sa Phase 8, Bagong Silang nang mapansin ang mga suspek sakay ng hindi na nabatid na plaka ng motorsiklo at may mga nakabukol sa beywang.

Hinabol ng mga biktima ang mga suspek at pagpasok sa eskinita sa Balwarte ng nasabing lugar ay sunod-sunod na pinutukan ang mga pulis.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang matunton ang mga pumatay sa kanilang kabaro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply