2 QC cops na nangotong sa anak ni Espina sinibak

NASA hot water ngayon ang dalawang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) matapos kotongan ng P10,000 nitong Martes ng gabi (Setyembre 4) ang anak ni Chief Supt. Leonardo Espina, na itinalaga kahapon lamang na susunod na National Capital Region Police Office (NCRPO) director.

Dahil dito, ipinatawag agad ni QCPD district director Chief Supt. Mario dela Vega ang dalawang pulis na sina SPO4 Jose dela Peña at PO2 Resty Del Rosario para pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat sila masibak sa serbisyo dahil sa kanilang kalokohan.

Sina De la Peña at Del Rosario ay kapwa naka-assign sa QCPD’s Mobile Patrol Unit.

Napag-alaman ng Remate Online na ang anak ni Espina ay may kausap sa kanyang cell phone sa tapat ng kanyang nakarapadang kotse sa Santolan Street nang lapitan at sitahin ni Dela Peña.

Inakusahan agad ni Dela Peña ang anak ni Espina na sangkot ito sa “phone sex” o pakikipagtalik sa pamamagitan ng telepono at humingi agad ng P20,000 kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso.

Sa ilang minutong tawaran, naibaba sa P10,000 ang hinihingi ni Dela Peña kaya nag-withdraw ang anak ni Espina ng pera sa kanyang automated teller’s machine (ATM) card sa kalapit na bangko.

Matapos iabot kay Dela Peña ang pera, inabot naman ng anak ni Espina ang kanyang mobile phone kay Dela Peña at hiniling na kausapin ang kanyang tatay na nasa linya.

Nang magpakilala na si Espina, pinakawalan agad ni Dela Peña ang anak nito at pinaandar ang mobile car na minamaneho ni Del Rosario.

Nakipag-ugnayan naman agad ang aide ni Espina sa QCPD kaya dinisrmahan naman agad sina De la Peña at Del Rosario ng kanilang service firearms at isasailalim sila sa imbestigasyon bago ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply