2 ‘salvage victims’ natagpuan sa Kyusi

DAWALANG biktima ng summary execution ang natagpuang nakakalat sa lansangan sa Quezon City  kaninang umaga.

Ang isang biktima ay inilarawang 28-33 anyos, nakasuot ng pulang t- shirt, maong pants at may tattoo na dragon sa kanyang dibdib at agila naman sa likod.

Ang isa pang biktima ay inilarawang 33-25 anyos, nakaputing t shirt at may tattoo na ‘sputnik’ sa kanyang braso. Ang bangkay ng dalawang biktima ay kapwa nagtamo ng mga saksak ng icepick sa likod.

Natagpuan ang 2 bangkay dakong alas 6:30 ng umaga sa isang binisidad ng Barangay Payatas, Quezon City.

Narekober din sa kaliwang palad ng isa sa mga biktima ang isang pitaka na binalutan ng masking tape pero ang litrato sa Philhealth card na nakekober dito ay walang pagkakahawig sa dalawang biktima.

Sinabi ni Inspector Elmer Monsalve, Chief ng QC Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang 2 bangkay ay isasailalim sa awtopsya para malaman ang dahilan ng kanilang pagkamatay.

Umabot na sa halos 20 na ang napupulot na salvage victims sa lunsod kaya nabagsanan itong Capital City ng salvage victims.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply