2 ‘salvage’ victims natagpuan sa QC

BINULABOG na naman ang dalawang lugar sa Quezon City kaninang madaling araw nang matagpuan ang dalawa pang biktima ng summary execution.

Abot na sa 20 ang bilang ng mga biktima ng sumary execution sa lungsod sa loob lamang ng halos dalawang buwan.

Ang mga biktima na kapwa lalaki at nananatiling walang pagkakakilanlan ay may kanya-kanyang tinamong tama ng bala na baril sa ulo at katawan, ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) .

Ang unang bangkay ay nadiskubre dakong alas  2 a.m. sa may bangketa ng Samonte Street sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Inilarawan ang biktima na 30 hanggang 35 anyos, at may dalawang tama ng bala sa katawan. Nakapiring din ito o blindfolded at ang kanyang mga kamay ay nakatali ng alambre.

Nakakalat naman sa lugar ang mga basyo mula sa M16 rifle na hinihinalang siyang ipinambaril sa mga biktima.

Samantala, ang pangalawang bangkay ay nadiskubre dakong alas 3 a.m. sa isang bangketa rin sa Barangay Kaunlaran naman.

Ang biktima na tinatayang 40 hanggang 45 anyos ay nadiskubreng may malalim na sugat sa ulo.

Gayunman, inaalam pa ng awtoridad kung ito ay tama ng baril o saksak o kaya ay pukpok mula sa isang bagay na matigas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply