2 shabu scorer todas sa pangraratrat sa Tondo

TODAS ang dalawa katao kabilang ang menor de edad matapos pagbabarilin ng di nakilalang suspek matapos gumamit ng shabu kaninang madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeffrey Hopio, 20, ng Block 1 Gasangan, Baseco Compound Port Area, Maynila at Genard Borden, 15, ng nabanggit din na lugar.

Nabatid na alas 12:10 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakita ang dalawa nang magtungo sa madilim na lugar na sinasabing bilihan ng shabu sa Baseco.

Nang lumabas na  ang dalawa  ay mayroon nang  umalingawngaw na putok ng baril at nakita ang mga biktima na nakabulagta ba.

Nakuha sa bulsa ni Hopio ang isang maliit na sachet na naglalaman ng shabu.

Iniimbestigahan na ang nasabing krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply