2 timbog sa pamumutol ng kable sa poste

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaktuhan kagabi na namumutol ng kable sa poste sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Anthony Pacino, 18, at John Michael Pacunla, 19, kapwa ng Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, nagpapatrulya ang mga pulis sa Susano Rd., ng lungsod nang mapansin ang mga suspek sa taas ng poste ng Meralco at namumutol ng kable.

Agad na pinuntuhan ang mga suspek at pinababa kung saan nakuhanan ng lagareng bakal at 187 metro ng copper wire bago dinala sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply