20 gramo ng shabu kumpiskado sa supplier

HINDI kukulangin sa 20 gramo ng shabu ang nakumpiska ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang distributor ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Naga City, Cebu noong August 30, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling suspek na si Joel Zamoro, alias Judge, 41, ng Barangay Langtad, Naga City, Cebu.

Si Zamoro ay nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) sa pamamahala ni Director Jigger Montallana sa isang entrapment operation sa Barangay Bairan, Naga City, Cebu matapos bentahan ng shabu ang isang PDEA poseur-buyer noong hatinggabi.

Nakapkapan pa si Zamoro ng 18 plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng halos 20 gramo; isang digital na timbangan ; tatlong notebooks na listahan ng drug transactions; isang .38 cal. revolver na puno ng bala at 2 piraso ng tig 1,000-piso marked money na ginamit sa buy-bust.

Nahaharap ngayon si Zamoro sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at PD 1866, ng Republic Act 8294 (Illegal Possession of Firearms).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply