200 kilo ng botcha nasamsam sa Divisoria

TINATAYANG mahigit 200 kilo ng botcha (tainted meat) ang nasabat sa Manila kaninang umaga makaraang makatanggap ng tip ang awtoridad na ito ay nakatakdang ibenta sa Divisoria.

Ayon sa report sa radyo, natagpuan ang mga naturang karne sa isang kariton malapit sa Ilaya wet market sa Divisoria makaraang rumespunde ang city veterinary office personnel nang makatanggap sila ng tip sa pagbebenta ng botcha sa naturang pamilihan.

Ayon kay Dr. Joselito Diaz, ng city veterinary office, nakita ang kontaminadong frozen meat sa kariton ngunit bigo silang mahuli ang nagmamay-ari ng naturang karne.

Karamihan umano sa mga nahuling botcha ay manilaw-nilaw na ang kulay at hindi na maganda ang amoy.

Expired na rin ang mga karne dahil binura ang expiration date nito sa mga karton kung saan ito nakalagay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply