200 OFWs na nasa Syria, uuwi bukas – DFA

NAKATAKDANG dumating bukas, Setyembre 8, ang mahigit sa 255 mga Overseas Filipino Workers mula sa bansang Syria na kinakalinga ngayon sa embahada Syria.

Ayon kay DFA Undersecretary Rafael Seguis, nakipag-ugnayan na sila sa International Organization for Migration para matulungang maisakay sa eroplano ang mga manggagawang Pinoy na hindi nagbayad ang gobyerno sa kanilang pamasahe.

Sinabi ni Seguis, tumaas na ang pamasahe pabalik ng Pilipinas pero kailangan na ilikas ang mga ito sa nagkakaguling bansa.

Kung maaalala, nagtungo sa Syria si Sec. Albert del Rosario para pakiusapan ang Syrian government na payagang makauwi ang mga OFWs.

Samantala, balik Pilipinas ang 26 na Filipina overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Kuwait.

Ayon kay OWWA administrator Carmelita Dimsom, tutulungan nila ang mga OFWs na karamihan sa mga ito ay tumakas sa kani-kanilang mga amo, o nakaranas ng pisikal at sekswal na pang-aabuso.

Ganap na alas-10:00 kagabi dumating sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) ang  mga OFWs sakay ng Emirates airlines.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply