200 partylist malalagas – Comelec

ABOT sa 200 partylist organizations ang inaasahang matatangal sa listahan kasama na ang mga grupong nakalahok na sa mga nakaraang eleksyon.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) mayroon na ngayong 300 partylist organization accredidation kaya naman magsasagawa ang komisyon ng marathon hearing ngayong araw upang masala ang dapat na makalahok sa 2013 midterm elections

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, na mula sa 124 na partylist ay aalisin ang mga nagkaroon ng mga paglabag, nagkaroon ng ilang reklamo laban sa organisasyon at yung mga hindi nakasunod sa mga requirements.

May halos 200 naman ang may pending applications para maging accredited group.

Ayon pa kay Brillantes, mahigpit sila ngayon upang maiwasan ang pagtanggap ng mga organisasyon o grupo na wala namang kaugnayan sa kanilang kinakatawan.

Gayundin ang posibleng paggamit ng malalaking political party sa mga partylist .

Ang CIBAC ay isa lamang sa kinukwestyong incumbent partylist at ang Ang Galing Pinoy ni Rep. Mikey Arroyo na kumakatawan naman sa mga security guard.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply