2012 Formula 1 Singapre grand prix

TALAGA namang masasabi natin na motorsports fanatics ang mga pinoy. Isa lamang sa magpapatunay nito ay ang panonood ng marami nating kababayan sa katatapos lamang na 2012 Formula 1 Singapore Grand Prix na ginanap noong Setyembre 21 hanggang Steyembre 23, 2012 sa Marina Bay Street Circuit sa Singapore.

Ilang linggo bago pa magsimula ang race, sold out na ang mahigit 80,000 tickets para sa tatlong araw na event. Marami ang nag-aabang sa Formula 1 dahil hindi ito katulad ng karaniwang race na ginagawa sa umaga, dahil NIGHT RACE ang Formula 1 na isinasagawa sa Singapore. Maliban sa magagaling na Formula 1 racer, inaabangan rin ng mga manonood ang kakaiba at mala-concert na performance ng mga international artists.

Para sa taong ito, nanguna sina Sebastian Vettel ng Team Red Bull Racing-Renault, Jenson Button ng Team McLaren-Mercedes at Fernando Alonso ng Team Ferrari na talaga namang ipinakita ang galing sa sa race track. Nahirapan si Sebastian na makuha ang posisyon matapos manalo ni Lewis Hamilton ng Team McLaren-Mercedes sa Qualifying Round at mapunta sa pole position. Pero hindi ito naging hadlang sa 25-year-old na Formula racer na masungkit ang tagumpay sa isa sa pinakamalaking racing event sa buong mundo.

Samantala, sinabi naman ng Singapore GP Pte Ltd na na-extend hanggang 2017 ang kanilang kontrata na maging host ng Singapore Formula 1 race. At ngayon pa lang ay sinimulan na ang pagbebenta ng tickets para sa 2013 Formula 1 Grand Prix.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply