2013 budget, isasalang na sa plenaryo

KINUMPIRMA ni Cavite Rep. Emilio Joseph Abaya na isasalang na sa plenaryo  ang deliberasyon sa  P2 trilyon 2013 General Appropriations Bill na mahigit sa P2 trilyon.

Inihayag ito ni Abaya, out-going chairman ng House Appropriations Committee, at incoming Secretary ng Department of Transportation and Communication (DOTC) kapalit ni Secretary Mar Roxas na nahirang bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Abaya pa rin  ang tatayo para sa sponsorhip ng 2013 budget sa plenaryo alinsunod sa pangako nito sa Kamara na tatapusin niya muna ang pagtalakay hanggang sa maipasa ito sa third reading bago umaktong kalihim ng DOTC.

Gaya ng mga naging tradisyon, ang mga vice chairmen naman ng komite ang magdedepensa sa plenaryo pondo ng iba’t ibang ahensiya.

Ang pag-akyat sa plenaryo ng budget sa susunod na linggo ay eksakto sa timetable ng Kamara kung saan target nilang pinal na mapagtibay ito hanggang sa a 15 ng Oktubre.

Kasabay nito ay siniguro ni Abaya na walang tatanggalin sa mga empleyado o babaguhin sa mga posisyon ng DOTC sa kaniyang pormal na pag-upo bilang kalihim nito.

Ayon kay abaya, walang malawakang pagbabago siyang gagawin sa ahensya at malaki ang kanyang tiwala sa mga opisyal at tauhan sa dotc na naunang itinalaga ng kanyang papalitan na si Roxas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply