2013 budget ng ARMM, SC, Comelec at CHR aprub na

MABILIS na nakalusot sa plenaryo ng Kamara ang mga panukalang pondo ng mga opisina ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Supreme Court (SC), Commission on Elections (Coemelc) at Commission on Human Rights (CHR).

Unang isinalang ang may P13.9 bilyong alokasyon para sa ARMM na pinamumunuan ni Regional Governor Mujiv Hataman.

Agad isinulong ang terminasyon ng deliberasyon sa nabanggit na badyet makalipas lamang ang ilang minuto.

Matapos ang pondo ng ARMM ay sunod na isinalang at inaprubahan ang P17.7 bilyon alokasyon para sa Korte Suprema.

Kapansin-pansin naman ang hindi pagdalo sa budget deliberation ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para sa pagtalakay ng pondo ng judiciary habang nasa limang mahistrado lamang ang personal na nagpunta sa Kamara.

Dumalo naman ang mga opisyal ng Comelec sa pangunguna ni Chairman Sixto Brillantes na sumaksi sa mabilis na pagkaka-apruba ng may P8.4 bilyon alokasyon ng komisyon na malaking bahagi nito ay gagamitin sa 2013 elections.

Wala ring kaabog-abog na pinalusot ang P318.9 milyon alokasyon para sa CHR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply