2013 budget ng Office of the President aprubado na

PASADO na sa House Committee on Appropriations ang may P2.7 bilyong alokasyon para sa Office of the President (OP) sa 2013.

Ngayong umaga ay unang dininig ang badyet ng OP at ilang minuto lamang ay agad na itong ipinasa ng mga kongresista na ang nag-preside ay si Quezon City Rep. Bingbong Crisologo.

Matapos ito ay isinunod namang isinalang ang panukalang alokasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na iprinisenta ni Acting Secretary at Executive Secretary Paquito Ochoa.

Matapos mailahad ni Ochoa ang mga plano at paggagamitan ng may P91.7 bilyon alokasyon, kabilang dito ang pagpapabuti sa mga bilangguan sa bansa ay agad nagbigay ng suporta ang minorya.

Nang makuntento si Mindoro Rep. Amelita Villarosa sa tugon ni PNP Chief Director General Bartolome ukol sa diumano’y mga dispalinghadong baril o hindi pumuputok na baril ay sinabi niyang “we will support for the passage of the DILG budget.”

Kasalukuyan pa ring sinusuri ng mga kongresista ang panukalang alokasyon ng DILG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply