2013 proposed P2.006-T nat’l budget pagtitibayin

NANGAKO si Senador Franklin Drilon na pagtitibayin nila ang 2013 proposed P2.006 trilyon national budget bago matapos ang taong ito.

Ayon kay Drilon, chairman ng Senate committee on finance, target nilang tapusin ang mga hearing sa Oktubre 17 at nangunguna sa pagbusisi sa panukalang budget ng iba’t ibang ahensiya.

Inaasahan ng senador na ipadadala sa kanila ng mababang kapulungan ng Kongreso ang bersyon nila ng proposed budget sa ikatlong linggo ng Oktubre para maisalang na ito sa plenary sa ikalawang linggo ng Nobyermbre at maisumite kay Pangulong Aquino para maaprubahan sa ikalawang linggo ng Disyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply