21-anyos rider patay sa killer bus

PATAY ang 21-anyos na rider nang araruhin ng pampasaherong bus sa Albay.

Kinilala ang biktima na si Kevin Esplana, ng Brgy. Nasisi, Ligao City, habang kritikal naman ang backrider nito na si Dexter Nuñez.

Nabatid na binabaybay ng Nissan passenger bus na minamaneho ni Sonny Calolo Clatite, 47, ng 2275 Angeles St., Valenzuela City ang Maharlika highway mula Leyte nang makasalubong ang mga nakamotor na biktima.

Dito na nagkasalpukan ang dalawang sasakayan, ikinamatay ng biktima.

Agad namang sumuko ang driver sa awtoidad.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply