21 patay sa dengue sa Central Mindanao

TINATAYANG 21 na ang namamatay sa sakit na dengue habang pumalo na sa 2,672 ang nagkaroon nito simula Enero sa Central Mindanao.

Dahil dito, binuo na ng Center for Health and Development (CHD) ang inter-agency Task Force Dengue.

Nabatid na pinakamaraming nadale ng dengue ay sa North Cotabato na umabot sa bilang na 1,038 habang 566 naman at limang patay ang naitala South Cotabato.

Naitala rin ang 432 kaso ng dengue sa General Santos City na 12 rito ay patay, habang 334 naman ang nagkasakit sa Cotabato City.

Umabot din sa 183 ang nagka-dengue sa Sarangani at apat dito ay nasawi samantalang 119 naman ang kaso at isa ang patay sa Sultan Kudarat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply