22 Malaysians huling pumupuslit sa Pinas

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine Navy ang 22 hinihinalang Malaysian nationals habang aktong nagtatangkang makapuslit sa Pilipinas.

Ayon kay Naval Public Information Office Chief Marine Col Omar Tonsay, base sa  report na ipinarating  kahapon sa punong himpilan ng Phil Navy, nasabat sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan ang mga hinihinalang Malaysian nationals.

Nasa kustodiya na ng Philippine Navy at Maritime Police ang mga naturang dayuhan, na sinasabing tumawid ng bansa sakay ng isang barko.

Nabatid na sa kasalukuyan ay patuloy pa ring kinukumpirma ang tunay na nationality ng mga ito dahil sa hirap ng komunikasyon matapos ang halos tatlong linggong tuloy-tuloy na pag-ulan sa bayan ng Balabac.

Napag-alamang nakatakdang ilipat ng Philippine Navy ang mga naturang dayuhan sa Puerto Princesa City, kung saan naroon ang tanggapan ng Bureau of Immigration.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply