2600 rating level maaabot ni GM Barbosa

ISA sa pangarap ni Pinoy woodpusher Oliver Barbosa ang umabot sa 2600 elo rating level upang maging super grandmaster.

Sa kampanya ng men’s Philippine Team woodpushers sa naganap na 40th World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey, si GM Barbosa ang may pinakamataas na nalikom na puntos sa kanyang elo rating.

Si Barbosa, (elo 2554) ang best scorer sa Pinoy matapos makalikom ng 7.0 points sa 11 na laro mula sa five wins, four draws at two losses kung saan ay mga super GMs ang kanyang nakaharap.

May rating performance na 2668 si Barbosa kaya naman nakakuha ito ng plus 20.4 at asahang tataas sa 2574 ang kanyang elo rating.

“Sana tumaas pa lalo ang ratings namin para sa susunod na olympiad ay mas mataas ang seeding natin.” Wika ni Barbosa: “Salamat sa lahat ng sumuporta sa amin.”

Nakipagbaragan ng isipan si Barbosa sa pitong players na may minimum rating na 2618, tinalo niya sina GM Kiril Georgiev (2682) ng Bulgaria at GM Gawain Jones (2653) ng England habang tinablahan niya sina GM Sergei Movsesian (2698) ng Armenia, GM Nguyen Nguoc Trung Son (2639) ng Vietnamn at GM Mircea-Emilian Parligras (2618) ng Romania.

Natalo siya kina GM Zoltan Almasi (2713) ng Hungary at GM Ding Liren (2695) ng China.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply