265 OFWs mula Syria pagkakalooban ng financial assistance

DAAN-DAANG Overseas Filipino Worker (OFWs) na umuwi sa bansa mula sa Syria ang mapapagkalooban ng tulong pinansyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ang tiniyak ngayon ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Sinabi pa ng kalihim na ang mga OFWs ay sasailalim din sa Balik-Pinas, Balik Hanap Buhay program ng pamahalaan ang mga repatriate worker.

Sa ilalim ng nabanggit na programa, pagkakalooban ng livelihood starter kits ang mga napauwing  OFW at sampung libong piso bilang puhunan sa kanilang itatayong negosyo.

Bukod dito,sasailalim din sa libreng medical examination at psycho-social counseling dahil sa naranasang traumatic incident dulot ng gulo sa Syria.

Nanawagan naman si Baldoz sa apat na libo pang Pinoy workers na nananatili pa rin sa Syria na bumalik na sa Pilipinas dahil tiyak namang may naghihintay na trabaho para sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply