27 Chinese sa cyber fraud ipina-deport na

IPINATAPON ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang 27 Chinese nationals na sangkot sa cyber fraud.

Ayon sa ulat ng BI ang mga nabanggit na dayuhan ay kabilang sa 300 dayuhan na inaresto noong nakaraang buwan dahil sa cyber fraud.

Sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr,. na ang mga suspek ay lumipad na pauwi sa kanilang bansa sa pamamagitan ng Philippine Airlines.

Bukod dito, inilgay na rin sa blacklist ang mga suspek at hindi na muling maaaring makapasok sa Pilipinas.

Bago ito, ikinulong muna sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna ang mga dayuhan matapos na maaresto nitong Agosto 23 nang magkasamang puwersa ng NBI, PNP at Naval Intelligence sa Metro Manila at Rizal.

Napatunayan ng board of commissioners na undocumented, overstaying at undesirable ang mga dayuhang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply