279 sangkot sa cyber fraud ipina-deport na

IPINA-DEPORT na kaninang madaling araw ng pamahalaan ang may 279 na Taiwanese at Chinese na nasangkot sa cyber fraud noong isang buwan.

Naging mahigpit ang seguridad habang dinadala ang mga dayuhan sa airport mula sa Camp Vicente Lim, Canlubang Laguna at dumating sa Ninoy Aquino International Airport bandang alas-3:00 ng umaga.

Ganap na 6:00 ng umaga na nang nakalipad ang mga dayuhan sa NAIA lulan ng chartered flight ng Eva Air flight PR 1272 at China Airlines flight C11707.

Naging mahigpit ang seguridad habang dinadala ang mga dayuhan, sakay ng limang bus, sa paliparan mula Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna, kung saan sila idinitine mula Agosto 23 habang hindi rin pinayagan ang media na malakalapit sa restricted area sa airport.

Matatandaang nahuli ang mga ito sa loob ng malalaking bahay sa ekslusibong subdibisyon sa Marikina City, Antipolo City, at Cainta, Rizal, na namemeke ng mga tawag upang makapagnakaw ng milyon-milyong dolyares mula sa kapwa banyaga.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, blacklisted na sa bansa ang mga idineport na dayuhan.

Samantala, nakatakdang ipa-deport din ang may 87 dayuhan anumang araw ngayong linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply