29 kabataan arestado dahil sa hazing

INARESTO ng mga pulis ang may 29 kabataan dahil sa umano’y pagtatangkang magsagawa ng hazing sa Iloilo.

Unang sinita ng mga pulis ang grupong United Bloody Original sa Passi City, Iloilo makaraang matunugan ang binabalak ng mga ito na hazing sa kanilang bagong miyembro.

Ngunit nabatid na lumipat lamang ng lugar ang grupo sa karatig na bayan ng San Enrique subalit naagapan din ng mga pulis pero naghanap muli ng lugar ang grupo na pagdadausan ng hazing at napagpasyahang pumunta sa Dingle.

Dito naharang muli sila ng mga pulis habang sakay ng tricycle at pinagpasyahan nang dalhin ang grupo sa police station na kinabibilangan ng anim na mga babae at 23 kalalakihan kung saan nasa 14-anyos ang pinakabatang edad.

Nabatid pa na karamihan umano sa mga estudyante ay nag-aaral sa Passi City National High School habang ang ilan ay out of school youth.

Dahil hindi naaktuhan na nagsasagawa ng hazing, pinakawalan din ng mga pulis ang mga kabataan subalit patuloy na minamatyagan para maagapan kaagad kapag itinuloy ng mga ito ang kanilang balak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply