29 sex workers nasagip sa putahan sa Bataan, QC

NASAGIP sa putahan ang may 29 sex workers habang siyam ang naaresto sa magkahiwalay na raid sa Bataan at Quezon City, ayon sa ulat kaninang umaga ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Sinabi ni CIDG chief Director Samuel Pagdilao Jr. na ang dalawang nasabing pagsalakay ay ikinasa bilang parte ng kampanya laban sa human trafficking.

Sa Quezon City, sinalakay ng CIDG Women and Children Protection Division (WCPD) operatives ang Area Forbs Health and Wellness Center sa may Quezon Avenue.

Pinangunahan ang pagsalakay ni Superintendent Emma Libunao at ng Department of Justice’s Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at nasagip ang 10 female sex workers at nakuwelyuhan naman ang anim katao.

Kabilang sa mga naaresto ay isang club supervisor, talent manager at ang cashier, ayon pa sa CIDG.

Samantala sa Orion, Bataan, sinalakay naman ng provincial CIDG operatives ang Michael J Bistro sa Barangay Sto. Domingo.

Inaresto ng operatibas ang tatlong floor manager at nasagip ang may 19 sex workers.

Sinabi ni Pagdilao na ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa RA 9208, o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Binalaan din nito ang mga club operator ng mga prostitusyon na hindi mamamahinga ang CIDG at ang IACAT hangga’t ang kanilang establisimiyento at ang nagmamantine nito ay makasuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply