3-anyos na lalaki patay nang magulungan ng van

PATAY ang 3-taon gulang na lalaki nang mapailalim at magulungan ng pumaparadang sasakyan kaninang umaga sa Pasay city.

Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Joven Camu, residente ng 230 Loring St., sanhi ng tinamong bali sa katawan nito.

Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng Kia van (DTF-107) na si Joseph Arnaldo Murillo, 22, ng Blk 2A Lot 37 Phase 6 Nevada San Francisco Subdivision, Gen. Trias, Cavite makaraan ang nangyaring insidente sa harapan ng bahay ng biktima dakong alas-8:40 ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ricky Murillo ng Pasay City Traffic Management Unit, ipinaparada ni Murillo ang minamanehong van malapit sa harapan ng bahay ng pamilya Camu nang hindi niya namalayan ang naglalarong biktima.

Nakatingin umano ang driver sa likuran habang iniaatras ang sasakyan kaya’t hindi na nito namalayan na nasa harapan na pala ang bata nang i-abante ang van.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply