3 engineer ng DPWH patay sa aksidente

PATAY ang tatlong engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at nasugatan naman ang dalawang iba pa makaraang maaksidente sa Barangay Magsaysay sa Infanta, Quezon.

Nakilala ang mga namatay na sina Engr. Jose Baldivino, ng Lucban; Engr. Raul Concepcion ng Lucena City at Engr. Michael Romatico, ng Real habang sugatan ang driver na si Jose Gonzales Jr. at pahinante nitong si Jason Formalejo.

Batay sa inisyal na ulat, nawalan ng kontrol sa manibela si Gonzales habang papalusong sa highway ng Infanta kung kaya nagpagulung-gulong  ang Toyota Land Cruiser na naging dahilan nang agarang pagkasawi ng mga biktima.

Nasa isang punerarya na ang bangkay ng tatlong biktima habang nasa ospital pa rin ang dalawang sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply