3 stude na sakay ng bangkang tumaob, hinahanap

PATULOY pa rin na pinaghahanap ang tatlong kabataang mag-aaral na sakay ng tumaob na bangka kahapon ng umaga sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Sa report, patungo ang mga mag-aaral sa University of Southern Mindanao-annex elementary school sakay ng motor bangka sa isang Math contest pero dahil sa malakas na alon, tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Pulangi river.

Kabilang din sa pinaghahanap ang isang matanda na kabilang sa sakay ng bangka.

Sumampa na sa lima katao ang namatay sa pagkakalunod ng bangka sa Pulangi river na nasa Sitio PTC, brgy. Tamped, Kabacan, Cotabato alas 5:30 ng umaga kahapon.

Ayon kay Kabacan Incident Quick Response Team Leader Latip Akmad, tatlo sa mga namatay ay na rekober na habang dalawa rito ang hindi pa nakita at hanggang sa mga oras na ito ay missing pa.

Kinilala ng MDRRMC Kabacan na pinamumunuan ni Director Cedric Mantawil ang mga bangkay na narekober na sina: Lilibeth Mandayas 42 residente ng Brgy Libpas, Pres. Roxas, Cotabato; patay rin ng matagpuan ang mag-amang sina Bobong Marabe, 43 at ang anak nitong si Bobs Marabe, 9 residente ng New Village, Poblacion, Carmen, Cotabato.

Habang missing at patuloy na pinaghahanap naman sina; Maryjane Abarca, 24 residente ng brgy. Simbuhay, Kabacan; Geneve Saliling, 9, grade 3 pupil at residente ng Tamped, pamangkin ni kapitan Daniel Saliling.

Samantala, nakaligtas sa nasabing trahedya ang mga estudyante na sina Sofia Panambolan, Christine Porcadilla, 11, Mikki Gomata, 12, Danica Panigel, 10, Dante Mandadtem, 9, Nathaniel Maninggola, 9, Jonamae Buenafe, 11, Jenecel Tomas, 11, at Jenny Ambag, 12.

Samantala, kinilala naman ang mga gurong nakaligtas sa trahedya na sina Jenny-Vi Amella, Elvira Sepe, Ebma Escobar, at Edu Salipungan, 46 Kinilala naman ang pumpboat owner at operator na si Norodin Edu.

Ayon kay Latip, bandang alas 6:00 na ng gabi kahapon ng pansamantala munang pinatigil ang search and Retrieval operations dahil sa madilim na ang paligid.

Agad namang nagpadala ng rescue team si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza upang madaling maisalba at mahanap ang mga missing.

Nanguna sa paggalugad sa ilog ng Pulangi ang pinagsanib na operasyon ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction-Kabacan incident Quick Response Team, Cotabato-PDRRM, Provincial Rescue Team, Barangay Disaster Risk Reduction ng Tamped at Brgy. Rescue Volunteers, Kabacan PNP at Cotabato PNP.

Samantala, sinabi naman ni Rescue Team Latip Akmad na dinala na ang tatlong mga bangkay sa Villa Funeral sa bayan ng Carmen.

Ayon sa report ng MDRRMC Kabacan na pinamumunuan ni Dr. Cedric Mantawil lulan umano ang nasabing Bangka ng mga 18-20 katao karamihan mga estudyante ng Tamped Elementary School na lalahok sana sa District Math Olympics ng USM Annex ng malunod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply