3 holdaper timbog sa Pasig

DINAMPOT ng mga awtoridad ang tatlong holdaper kabilang ang isang menor de edad sa Pasig.

Ang mga suspek ay nagpanggap na barker at sumakay sa pampasaherong jeep.

Sa may LRT Santolan Station, nagdeklara ng holdap ang tatlo at nilimas ang mga gamit at pera ng mga pasahero na pawang mga babae.

Agad tumakas ang mga suspek ngunti agad ding nakahingi ng saklolo ang mga biktima kaya naaresto ang mga ito.

Sa presinto, todo tanggi naman ang tatlo sa paratang sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply