3 holdaper todas, pasahero, parak sugatan

NALAGAS sa engkuwentro ang tatlong holdaper habang sugatan naman ang isang pulis at pasahero sa Quezon City nitong gabi ng Setyembre 19.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa sa mga suspect habang idineklerang dead on arrival naman sa Capitol Medical Center ang isa pang holdaper sanhi rin ng tama ng bala sa katawan.

Sugatan naman ang isang pulis na hindi nakuha ang pangalan ng makipagbarilan sa mga suspect.

Tinamaan din ng bala sa katawan ang isang hindi nakikilalang pasahero ng dyip nang pumalag ito sa mga suspect.

Naganap ang insidente dakong alas 10:30 nitong Miyerkules ng gabi sa tapat ng Quezon Institute sa may E. Rodigues Avenue sa Barangay Tatalon.

Bago ito, sumakay sa naturang pampasaherong jeep ang mga suspect sa may Banawe street at pagsapit sa may Jacinto St., sa tapat ng QI ay nagdeklara ng holdap.

Pero isa sa mga pasahero ang pumalag kaya sinaksak siya ng isa sa mga suspect.

Ang nasabing komosyon naman ang nakatawag ng pansin sa isang nagpapatrolyang QCPD mobile patrol na agad rumesponde pero pinaputukan sila na nagresulta sa pagkasugat ng isang pulis.

Gumanti ng putok ang iba pang pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspect.

Narekober sa mga suspect ng 2 baril, kutsilyo at iba pang gamit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply