3 holdaper utas sa mga parak

BUMULAGTA ang tatlong holdaper matapos makaengkuwentro ang mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 kaninang madaling araw.

Ayon kay P/Supt. Ricardo Layug Jr., hepe ng MPD-Station 3 hinoldap umano ng mga suspek na magkakaangkas sa isang motorsiklo (riding-in-trio) ang dalawang babae sa may bahagi ng Fuguso at Doroteo Jose.

Nang makuha ang pakay sa mga biktima ay agad na tumakas ang mga suspek ngunit tiyempo namang may napadaang pulis sa lugar kaya agad na nagsumbong ang mga biktima.

Base sa ibinigay na description ng mga biktima ay agad na sinundan ng mga pulis ang mga suspek at inabutan sa ilalim ng underpass ng Quezon Avenue.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek ngunit imbes na sumuko ay nagpaputok ng baril dahilan upang gumanti ng pulok ang mga awtoridad.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kalibre .38 at 9mm na pistola.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply