3 kilabot na tulak, timbog sa buy-bust

TAGUIG CITY – Tatlong pinaghihinalaang notorious drug pushers ang halos magkakasabay na dinampot ng mga elemento ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa magkakahiwalay na buy-bust operations na ilunsad nito noong Miyerkules sa mga lugar ng F. Manalo Street, Brgy. Calzada Tipas at Eucalyptus Street, Brgy. Western Bicutan ng nasabing lungsod, ayon sa accomplishment report nina arresting officers SPO1 Napoleon Tongco, PO3 Jowel Briones at PO3 Marvin Zata kay Chief-of-Police PSSupt. Tomas Colet Apolinario Jr.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga naaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na sina Ritchie G. Ortega, 34, nakatira sa 100 F. Manalo St., Brgy. Calzada Tipas, Taguig City at ang kinakasama nitong si Joanne T. Santos, 32, nakatrira sa 93 C-E Mendiola St., Brgy. Buting, Pasig City habang si John B. De Castro, 24, nakatira sa 41-B A. Reyes St., Purok 3, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City ay nakita sa CCTV na lantarang nagtutulak ng illegal substance sa mga kabataan.

Sinabi ni SAID-SOTG Chief PSInsp. Jerry O. Amindalan na bahagi ng kampanya ng pamahalaang lungsod ng Taguig na sugpuin ang lahat ng illegal activities na nakakasira sa pagtataguyod ng isang maayos na pamayanan at tuloy ay mapangalagaan ang mga mamamayan partikular na ang mga kabataan laban sa mga masasamang bisyo.

Kinumpirma ni SPD Forensic Chemist PSInsp. Anamelisa S. Bacani na ang 3.46 gramong nasamsam na ebidensiya kay De Castro at 0.96 gramong nakuha kina Ortega at Santos ay positibong methamphetamine hydrochloride o shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 ang mga ikinulong na suspects.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply