3 ‘manok’ ng NP, pasok sa Magic 12 survey

KUNG ngayon isasagawa ang 2013 midterm senatorial elections, tiyak na mananalo ang tatlong manok ng Nacionalista Party (NP) na nakapasok sa pinakahuling survey ng The Center sa “magic 12” sa susunod na halalan.

Base sa Pulso ng Pilipino 3rd quarter survey ng The Center, muling mananalo sa pagka-senador sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV gayundin ang asawa ni Senador Manny Villar na si dating Las Pinas City Rep. Cynthia Villar.

Sa survey na nilahukan ng 1,200 respondents at ginanap noong Agosto 24-30, si Cayetano ay pumangatlo sa nakuhang 54 percent habang kahanga-hanga naman ang pag-angat ng popularidad ni Mrs. Villar na ngayon ay nasa pang-9 na puwesto sa nakuhang 35 percent. Si Trillanes ay pang-12 sa nakuhang 30.2 percent.

Kapuna-puna naman na walang miyembro ng Liberal Party (LP) ang pumasok sa Magic 12, kung saan tanging si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ang nasa striking distance sa nakuhang 27 percent at nasa pang-13 hanggang 14 puwesto. Pasok man si presidential sister Kris Aquino sa nakuhang 39.8 percent at nasa pang-7 puwesto, hindi naman ito miyembro ng LP at walang balak na tumakbo sa pagka-senador.

Nanguna sa survey ang independent na si Senador Francis “Chiz” Escudero na may 66 percent habang pangalawa naman si Senador Loren Legarda na may 59.3 percent.

Anim na kandidato naman ng United Nationalist Alliance (UNA) ang pasok sa Magic 12, habang ang dating UNA candidate na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ay pang-4 hanggang 5 puwesto sa nakuhang 46.6 percent.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply