3 miyembro ng Buratong drug group, naaresto ng PDEA

TINATAYANG nasa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.2 milyon ang nakumpiska ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office, National Capital Region sa tatlong miyembro umano ng Buratong Group sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City .

Bandang alas alas – 9:00 ng Biyernes ng gabi nang isagawa ang buy-bust sa pamumuno ni IO3 Champ D. Sulit ng PDEA sa Sohotel, Rosario, Ortigas, Pasig City.

Kinilala ni PDEA RO-NCR Regional Director Wilkins Villanueva, ang tatlong nasukol na suspek na sina Alfred Mahilum, 50 anyos, Arlene Matulin, 40 anyos, at Ryan Ronald Andrada, 19 anyos, kapwa residente ng Blk2, Glass st, Laskas Bisig, San Andres, Cainta, Rizal.

Ayon kay Villanueva, ang tatlong naaresto ay may kaugnayan sa Buratong Drug Group kabilang dito ang isang nangangalang ‘alyas Mac Mac, na nakatakas, na umano’y kanilang pinagkukunan ng droga sa lugar ng Pasig City.

Ang mga suspek ay kinasuhan na ng PDEA RO-NCR ng paglabag sa section 5 Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002at kasalukuyan ng humihimas ng rehas na bakal ng PDEA jail Facility sa lungsod Quezon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply