3 nagbebenta ng pekeng salapi arestado

ARESTADO sa isinagawang entrapment operation ng pulisya ang tatlong miyembro ng sindikato na nagbebenta ng palsipikadong salapi sa isang restaurant kahapon sa Parañaque City.

Tinangka pang tumakas ng mga suspek na sina Melba Magno, 58, ng 68 Lopez Jaena St., Galas, Quezon City, Virgilio Guasis, 59 ng 098 Sta Maria Subdivision, Santolan, Pasig City at Carlos Austria, 54 ng 036 Acapulco St., Payatas, Quezon City  nang matunugan na may mga nakakalat na pulis sa loob ng restaurant subalit nasakote kaagad sila bago pa man makalabas ng establisimiento.

Ayon kay Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran, nakatanggap na sila ng reklamo sa isang Rex Dela Pena ng Everlasting St., Payatas, Quezon City hinggil sa ginawang pambibiktima sa kanya ng grupo kamakailan sa pamamagitan ng pagbebenta ng pekeng Ringgit money, na monetary unit ng Malaysia sa murang halaga.

Natukoy naman ng pulisya ang grupo hanggang magawang makipag-transaksiyon ang isang pulis na nagkunwang bibili ng palsipikadong salapi  sa loob ng Max’s Restaurant sa Roxas Boulevard, Barangay Baclaran na nagresulta sa pakakadakip sa tatlo.

Nakumpiska sa mga suspek ang 32-piraso ng pekeng 100 Malaysian Ringgit na ibinebenta ng tatlo sa halagang P6 bawa’t isa na kalahati lamang sa katumbas na halaga nitong P12.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply