3 patay, 8 anyos sugatan sa pamamaril

TATLO miyembro ng Siete Bulabog Gang ang patay habang isang bata ang malubhang sugatan matapos itong pagbabarilin ng apat na hinihinalang kalabang mortal na Avatar Gang habang naglalakad sa kahabaan ng Dulong Acero St., Brgy. Tugatog, Malabon City,Byernes ng hapon Sept. 7.

Dead on spot si David Orbaje, 26, binata, habang dead on arrival naman sa Tondo Medical Center sina Futushi Fareñas, 21, binata , at si Mark Anthony Laurente, 28, pawang mga taga Asugi St., Brgy. Tugatog sanhi ng mga  tinamong tama ng kalibre 45 at 9mm sa mga katawan.

Inoobserbahan naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Jhaby Ramos, 8 anyos, grade 4, ng Acero St., matapos itong tamaan ng mga ligaw na bala sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang apat na kalalakihan na hinihilaang mga kalabang mortal na Avatar gang bitbit ang baril na kanilang ginamit.

Ayon sa ulat, dakong alas 3:25 ng hapon ng maganap ang madugong insidente sa Dulong Acero, Tugatog.

Nabatid kay Sr.Insp Gregorio Catacutan, hepe ng Staion Inbestigation Division (SID) ng Malabon police, magkasamang naglalakad ang mga biktima para pumunta sa bahay ng isang Sirly Yepez, live-in partner ng pinsan ni Orbaje pero lingid sa kanilang kaalaman agad silang pinagbabril ng apat na suspek na agad ikinasawi ni Orbaje.

Tinangkang tumakas nina Fariñas at Laurente subalit agad silang pinagbabaril na pawang tinamaan sa likuran habang ang batang si Ramos ay tinamaan na ligaw na bala habang ito ay naglalakad sa nasabing lugar.

Ayon pa sa mga imbestigador ang mga biktima ay pawang miyembro ng Suige Suige Sputnik gang base sa mga tattoo sa kanilang katawan at kasapi rin sila ng Siete Bulabog na umano’y mahigpit na kalaban ng Avatar gang.

Nakarekober ng kagawad ng SOCO ng mga empty shell ng kalibere .45 at 9mm sa pinangyarihan.

Matatandaan kamakailan ay pinagbabaril  ang grupo ng siete bulabog gang kung saan apat katao ang namatay ng pagbabrilin ng mga kalabang Avatar gang habang ang mga biktima ay naglalaro ng computer sa Brgy. Tonsuya.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga kasapi ng nasabing Avatar gang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply