3 patay, P.5M at armas natangay sa Basilan robbery

DALAWANG empleyado at security guard ng isang bodega ng Rubber Buying Station ang namatay nang holdapin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na lulan sa dalawang motorsiklo sa Basilan kaninang umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng M16 rifle at kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Sedrick Lisama, Nonong Clintock at si Ryan Abalyana pawang residente ng Barangay Maligaya, Lamitan City sa probinsya ng Basilan.

Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nagkasa ng panghoholdap at pagpatay pero kumikilos na para malaman ang pagkakakilanlan ng grupo ng holdaper.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 8 ng umaga sa bodega ng nasabing opisina ng mga biktima na nasa Barangay Maligaya.

Ayon sa Lamitan City Police Station, bago ang insidente ay binubuksan ng mga biktima ang nasabing bodega nang pumara sa harapan nila ang dalawang XRM motorsiklong sakay ang limang kalalakihan at nagkunwaring mga kustomer.

Pero maya-maya lamang ay biglang niratrat ng mga suspect ang tatlong biktima nang tumangging ibigay ang  P500,000 pera na hawak ng isa sa mga biktima.

Matapos ang krimen, kinuha ng mga salarin ang shotgun ng security guard at ang dalang pera ng mga biktima at kaagad tumakas.

Nakuha ng awtoridad sa lugar ng insidente ang maraming basyo ng bala ng M177 rifle at caliber .45 pistol na ginamit ng mga salarin sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply