3 patay sa diarrhea outbreak sa Villanueva, Misamis Oriental

TATLO na ang namamatay sa diarrhea outbreak sa Villanueva, Misamis Oriental. Habang umabot na sa 194 na mga residente na karamihan ay mga bata ang tinamaan ng nabanggit na sakit.

Kinilala ang mga nasawi na sina Prince Hermoso, 9 months old, residente ng Brgy. Poblacion; 6 month old na si Shaira Malongayan at 1 year old na si Jenikalyn Camiquin ng barangay Katipunan.

Ayon sa Provincial Health Office ng Msiamis Oriental, idineklara na ang outbreak ng nabanggit na sakit dahil marami na ang nagdadale nito sa lugar.

Sa ngayon, ay hindi pa matiyak ng Provincial Health Office ang sanhi ng diarrhea dahil nagnegatibo sa bacteria ang ginawang water sampling sa water sources ng lungsod.

Gayunman, patuloy ang ginagawang rectal swab ng Department of Health Region 10 sa mga pasyente upang malaman ang sanhi ng diarrhea.

Patuloy ang ginagawang pagsusuri at namahagi muna ng powdered chlorine ang Provincial Health Office sa mga residente upang masigurong ligtas ang iniinom na tubig.

Bukod dito, pinayuhan din ang mga residente na pakuluan muna ang tubig bago inumin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply