3 preso pumuga s QCPD

NAKATAKAS ang tatlong preso sa kanilang detention cell sa Quezon City Police District (QCPD) police station 10 kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Ayon kay Police Supt. Marcelino Pedroso, tumakas ang mga puganteng kinilalang sina Roel Dantes, 20; Jestoni Tributo, 20, na pawang nahaharap sa kasong robbery-snatching; at Jodi San Luis na may kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon sa salaysay ng desk officer na si Chester Dacopay, ipapasok na sana niya sa selda mula sa holding area ang tatlong preso matapos i-turn-over ng barangay tanod ngunit itinulak umano ng mga suspek ang pintuan, dahilan para mawalan ng balanse ang pulis at tumumba.

Kumaripas ng takbo ang mga suspek at tinangka pang habulin ng mga pulis ang mga pugante ngunit bigo silang maabutan.

Patuloy ang pagtugis sa tatlong suspek.

Kaugnay nito, na-relieve sa pwesto si Dacopay sinampahan ng kaso dahil sa nangyaring pagpuga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply